Wednesday, August 05, 2009

OFF TOPIC: Tribute to President Corazon "Cory" Aquino - 1933 - 2009

Salamat President Cory sa katapangan, katatagan at tyaga na inalay mo sa sambayanang Pilipino para sa demokrasyang tinatamasa ng mga Pilipino hanggang ngayon.

Nawa'y magsilbing gabay ang iyong sinumulan para sa mga namumuno at mamumuno sa bansang Pilipinas.

Nawa'y ang iyong katapatan at may takot sa Diyos na pasisilbi sa bayan ay maging halimbawa para sa mga pinuno at kawani ng gobyerno ng Pilipinas.

Nawa'y maging gabay ng bawat Pilipino ang pinaglaban mo at ng sambayanang Pilipino noong taong 1986 para sa demokrasya ng bansa.

Nawa'y ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa People Power noong 1986 ay maipagpatuloy ng kasalukuyang henerasyon.

Nawa'y sumulong sa kaunlaran ang bansang Pilipinas para masuklian natin ang paghihirap na ginawa ni President Cory.

Nawa'y natuto na ang mga Pilipino sa naging aral ng People Power noong 1986.

Nawa'y mahalin nating mga Pilipino ang bansang Pilipinas tulad ng pagmamahal ni President Cory.

Nawa'y tunay na paglilingkod ang ibigay ng pinuno at kawani ng gobyerno sa mga Pilipino.

Mga Pilipino gumising muli tayo sa ating pagkakaidlip, buhayin muli natin ang diwa ng People Power na pinangunahan ni Presidente Cory. Ngayon na wala na si Ninoy, Cory at Cardinal Sin handa pa ba tayong mga Pilipino na ituloy ang laban nila para umunlad ang Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon. Magkaisa tayo, mahalin natin ang kapwa natin Pilipino, mahalin natin ang Pilipinas.

Salamat Sen. Ninoy, Salamat Pres. Cory, Salamat Cardinal Sin. Ako mismo mamahalin ko ang Pilipinas katulad ng pagmamahal nyo.

May God bless Philippines...

Labels: , ,

1 Comments:

At January 16, 2012 at 10:26 PM , Blogger crystal.travel6 said...

This comment has been removed by the author.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Copyright 2007 Philippine Tourist Guide | Tourist Spot | Philippine Paradise | Philippine Festival and Activities